The most or the second most least expensive
Una ako nagpunta sa New Kings Hotel. Price is HKD500 / night for a single room. Tapos sa Booth Lodge for HKD550 / night. At napili ko ang Caritas for HKD554 / night (with breakfast). New Kings dapat, kaso nung nag inquire ako, bangdupak sa lobby (maliit na lobby) dahil may naglilinis, kaya umalis ako.. Booth Lodge, kupal yung receptionist (yung security guard nila, iyun din yung receptionist). Caritas mas mukang hotel umayos ang mga staff kaya dun ako.
Malaki ang room sa ine-expect ko para sa HKD500 plus sa HK. PUTAKTE kasi ang presyo sa hk, papatayin ka ng maaga. At napaka linis todo ng CR. At malaki din.. Todo linis talaga.. Staff ng hotel, mapag entertain.. sa kakulitan ko.. Maganda ang location dahil todo gitna ng kowloon. todo lapit sa isang MTR station, shopping arcade at lahat ng tipid na resto. Todo linis at malaki-laking CR para sa HKD500 plus para sa HK / night. Hindi tabing kalsada kaya tahimik din. Bintana ng room ko tapat ang isang bundok na sangkatutak ang puno.. kaya okay! todo lakas ng buga ng aircon, kaya baluktot ka cgurado sa daling araw.. basta todo linis ng CR. iyun pinaka gusto ko ikwento. ahahahah!
New Kings Hotel, Booth Lodge at Caritas Bianchi Lodge ay todo magkakalapit lang. Pinaka palatandaan ay ang New Kings dahil ito ang nasa kalsada ng Nathan Road talaga. Pero pagtumigil sa sa tapat nito at ikot ikot ang paningin mo, makikita mo ang Caritas. Kala mo luma na building, mejo luma naman talaga, pero astig talaga CR. Banglinis, at hindi naman mukang luma ang kwarto. Kaya sakay na!


